Listahan ng mga exempted sa Civil Service Exam

Apple Majait
By -
0

 Listahan ng mga exempted sa Civil Service Exam 

LISTAHAN NG MGA EXEMPTED SA CIVIL SERVICE EXAM



HONOR GRADUATES


Lahat ng mga nakapagtapos ng cum laude, magna cum laude at summa cum laude sa kanilang bachelor’s degree ay exempted sa CSE, ayon sa PD. 907.


BAR AND BOARD EXAM PASSERS


Alinsunod ito sa RA 1080 na automatic na nae-exempt ang mga nakapasa sa bar examination at licensure board examinations.


SANGGUNIAN MEMBERS


Ayon sa RA 10156, binibigyan ng exemption ang Sanggunian Members (SM) na nahalal matapos maging epektibo ang Local Government Code noong May 11, 1992.


BARANGAY OFFICIALS


Alinsunod ito sa Local Government Code na nagsasabing lahat ng elective barangay officials, SK Chairman at appointive barangay officials (Barangay Secretary at Treasurer) ay exempted sa CSE.


BARANGAY NUTRITION SCHOLARS


Ayon sa PD 1569, ang isang barangay-based volunteer worker ay binibigyan ng second grade civil service eligibility.


FOREIGN SCHOOL HONOR GRADUATES


Sinumang Filipino na nakapagtapos ng summa cum laude, magna cum laude at cum laude sa kanilang bachelor’s degree sa isang lehitimo at prominenteng pamantasan sa ibang bansa ay exempted sa CSE, base sa CSC Resolution No. 1302714.


SKILLS ELIGIBILITY


Ibinibigay naman ang CSE exemption sa mga kwalipikadong Pilipino na ang skills ay hindi nasusukat ng written test, ayon sa CSC MC No. 11, s. 1996.


Sila ay ang mga plant electrician, automotive mechanic, heavy equipment operator, laboratory technician, shrine curator, carpenter, draftsman, at plumber

Post a Comment

0Comments

https:www.majait.net

Post a Comment (0)