Isang lalake ang nag litson ng isang malusog na baka. At nung pwede na itong ihain Tinawag nya ang kanyang bunsong lalaking kapatid at sinabi: Lumabas ka at puntahan mo ang ating mga kapitbahay at kaibigan at imbitahan para sa ating salo salo.
Lumabas ang kanyang kapatid at sumigaw... At ito ang kanyang sinigaw...
Mga kapit bahay tulungan nyo kami nasusunog na ang aming Tahanan..
Dali daling tumakbo naman yung mga ibang nakarinig patungo sa bahay nila para tumulong mag apula sa sunog...
ang iba namay parang walang narinig
mga iba naman Ay sadyang Ayaw talagang tumulong.
nagtaka naman yung mga gustong tumulong dahil wala namang sunog kundi handaan o may litsunan naman pala....
At sila'y nagpakabusog.
Napansin naman ng panganay na kapatid na wala man lang syang kakilala sa mga naimbitahan at tinanong ang kanyang nakakabatang kapatid na lalake.
Asan na mga kapitbahay at mga kaibigan Natin?
At syay sumagot at kanyang sinabi nung akoy lumabas. Sumigaw ako ng tulong nasusunog ang aming Tahanan....
Kuya sila ang tunay na mga kaibigan na handang tumulong sa oras na tayo ay nangangailangan.
Lesson :
maraming kaibigan na kilala ka lang sa oras na sila'y nangangailangan
pero pag ikaw naman ang nangangailangan dimo sila maaasahan.
i heard a True story about this..
https:www.majait.net