Elaiza Yulo, gumawa ng sariling pangalan sa pagbabalik sa Palaro

Apple Majait
By -
0

 Humans of PALARO | Elaiza Yulo, gumawa ng sariling pangalan sa pagbabalik sa Palaro

"Para po sa aking gymnastics career, gusto ko rin pong makatuntong ng Olympics."

Sa kaniyang pagbabalik sa Palarong Pambansa matapos ang US training, ipinamalas ni Elaiza "Iza" Andriel Yulo ang kanyang galing, husay, at flexibility sa Women's Artistic Gymnastics (WAG) matapos na sungkutin ang five gold at 1 silver. 

"Sobrang saya po sa naging performance ko ngayon, and medyo kabado rin po ako kasi po parang halos lahat ay nanonood," ani Iza. 

Nakuha ni Iza ang golds para sa Individual All-around (IAA), Uneven Bars, Balance Beam, Floor Exercise, at Team Championship, at silver naman para sa Vault Apparatus para maging isa sa mga most bemedalled athlete ng Palaro 2024. 

Kuwento niya, pinanonood lamang niya dati ang kaniyang mga kuya na sina Carlos at Eldrew at kalaunan ay nagsimula na ring mag-training sa gymnastics noong apat na taong gulang pa lamang siya.

"Gusto ko pong pasalamatan para po sa successful Palaro ko si Coach Reyland Capellan po, Ate Bea, Ma'am Cynthia Carreon, 'yong RYC Team ko po, at si Coach Michael po."

"S'yempre po 'yong family ko po. Kasi sila po 'yong number one supporter ko, manalo, matalo, support pa rin sila sa akin, sobrang proud na po sila sa akin kahit 'di pa po ako nagko-compete," dagdag ni Iza. 

Payo ni Iza sa mga gustong subukan ang Gymamstics, "subukan din po ninyo, mahirap man po ang training, masaya rin po, and s'yempre 'yong experience sa competition, marami ka pong magiging kaibigan."

Si Iza ay nag-aaral ngayon sa Adamson University at bitbit ang bandera ng National Capital Region (NCR). 

#PalarongPambansa #DepEdPhilippines #MATATAG









Post a Comment

0Comments

https:www.majait.net

Post a Comment (0)