SEAMANloloko: “One hour lang ako nawala, chinat niya yung online girl, may nangyari sa kanila. Sinuyo niya ako na parang walang nangyari.” — GRABE YUN, Tinalo mo kuya si Mr. QUICKIE!🤣🥹
RUNA: “First boyfriend and 11 years kami.”
RUNA: “Nag-training siya sa Cebu para mag seaman at binisita ko siya doon. Meron nagsabi na may kasama daw siya doon. After po noon ay siya po mismo yung nag-confirm. Nagkusa po siya.”
CLIFF: “Nagkaroon po talaga ako ng kasalanan, fling lang po talaga. Inamin ko po talaga sa kanya na nagkamali ako sa kanya that time.”
RUNA: “Pinatawad ko po siya kasi sabi ng mother ko, kung hindi ka magpapatawad hindi ka patatawarin ng Diyos.”
VHONG: “Ilang taon na kayo niyan noong nahuli at pinatawad mo?”
RUNA: “Six years po pero naulit na naman sa Manila at pinatawad ko na naman po siya at naging martyr po ako. Pero naulit na naman ulit sa online. Last na po yun, hindi ko na kaya.”
VICE: “So cyberspace, nagloko ka. Sino yung chinat mo?”
CLIFF: “Ex ko po. That time po kasi hindi kami masyadong nagcha-chat ni Runa kasi busy din po siya sa negosyo niya kaya bumaling ako sa ex ko.”
VICE: “Paano mo nalaman?”
RUNA: “Nakita ko po yung account niya sa google at marami siyang china-chat na mga babae.”
VICE: “Hindi lang pala yung ex, marami pala. So, you're a womanizer.”
JHONG: “Anong reason mo?”
CLIFF: “Hindi na kasi si Runa nagcha-chat sa akin.”
VICE: “Hindi. Hindi iyon yun. Bago pa siya na-busy ginagawa mo na rin iyon noon eh. Anong epekto ng pambabae sayo?”
VICE: “You're a womanizer. Kasi paulit-ulit, eh. Bakit paulit-ulit mo itong ginagawa? Do you feel good about yourself? And you feel bad kapag kinakarma ka na?”
VHONG: “Alam niya kasing mahal na mahal siya ni Runa at alam niyang papatawarin siya nang papatawarin.”
VICE: “Anong epekto nito sa'yo? Panandaliang saya at init ng katawan na kailangang maibsan?"
CLIFF: “Opo.”
VICE: “It's the init ng katawan eh. Nakakalimutan mo yung mahal mo pag hinahanap na iyon ng katawan mo. Ginagamit iyon ng demonyo kasi doon ka mahina. Pag nandoon ka sa puntong iyon, ang sarap noon. Panandaliang saya pero pang matagalang sakit at pagsisisi.”
VICE: “Ano iyong point na nasabi mong tama na ang dami na?”
RUNA: “Too much na kasi, iyong nagpapa-tattoo na ako dahil sa pain. Sinasaktan ko na iyong sarili ko."
VICE: “Anong realization mo? Anong tingin mo na sa pag-ibig after sa ganyang experience?”
RUNA: “Na-trauma po ako. Nagkaroon ng trust issues. Hindi na ako naniniwala sa mga sinasabi, kasi matatamis na salita iyong sinasabi niya sa akin noon.”
VHONG: “Paano ka nakipag-hiwalay?"
RUNA: “Hindi ko po kasi kaya sa personal kaya tiniming ko na pasampa na siya ng barko. Chinat ko po siya ng masasakit na salita.”
RUNA: “Mas nasaktan po kasi ako noong last. Nagpahangin lang ako, 1 hour lang ako nawala chinat niya iyong online girl para mag-meet sila. Pagbalik ko, sinuyo niya ako na para bang walang nangyari. It was 2018 pero 2020 pa siya nag-confess sa akin na may nangyari sa kanila.”
VICE: “Cheating and womanizing kasi it becomes your weakness until it becomes your lifestyle. Womanizing became your lifestyle nagbabago ba ang mga cheater?"
CLIFF: “May faith pa rin naman po ako kahit maraming beses ko siyang nasaktan kasi once nasaktan din ako before naging kami. At iniisip na po na aayusin ko muna ang sarili ko bago ulit ako magmahal.”
VICE: “So, sinasabi mong kaya ka nagkakaganyan dahil sa trauma mo sa past mo before her. So, ngayon bago ka pumasok sa susunod kailangan maayos mo iyong issues mo. You acknowledge your issues saka ka magmamahal. Maganda iyon.”
VICE: “May mga bagay tayong ginagawa na hindi naman tayo, iyon ay epekto ng trauma natin pagkabata, trauma sa pag tanda, trauma sa loob ng bahay, trauma sa skwelahan. Lahat iyan binabago tayo.”
VICE: “You acknowledge kung ano man iyon at tulungan mo ang sarili mo to become a better person. You deserve another chance to redeem yourself.”
CLIFF: “Thank you po.”
VICE: Noong nagkamali tayo, choice natin iyan, eh. Kaya kung babawi tayo, choice rin natin iyon.”
JHONG: “Napatawad mo na si Cliff?”
RUNA: “Yes po. I know na magbabago siya pero hindi sa akin, sa ibang person na."
VICE: “Ang sakit na ikaw iyong biktima noong bad person era niya. Tapos ikaw iyong rason para ma-realize niya maling iyon pero hindi ikaw iyong makikinabang ng magandang pagbabago niya. Parang, ‘ako yung nasaktan eh pero sa iba siya bumawi.”
It's Showtime EXpecially For You
#ItsShowtime #expeciallyforyou #expeciallyforyoushowtime #ViceGanda #SEAMAN
https:www.majait.net