Kasaysayan ng Daigdig | Grade 8

Kasaysayan ng Daigdig | Grade 8  



 


Calubian National high School


3rd Grading 


Nasyonalismong Asyano 


MGA LAYUNIN


1. Naiisa-isa at naipaliliwanag ang mga salik at pangyayaring nagbigay daan sa pag-usbong at pag-unla ng nasyonalismo sa iba't iban rehiyon sa Asya. 




2. Napatutunayan ang pagpaphalaga ng mga Asyano sa mgagawainng nasyonalismo bilang mahalagang sangkap tungo sa paglaya ng mga bansa at pagbibigay-wakas sa imperyalismo.


3. Nakagagawa ng poster ng iba ibang manipestasyon ng nasyonalismo; a


4. Nasusuri ang epekto ng nasyonalismo sa sigalot etniko sa Asya tulad ng partisyon o pagkahati India at Pakistan.




Sa pagpasok ng ika-20 siglo, dama ng halos kabuuan ng Asya ang igting ng imperyalismo at kolonyalismong Kanluranin..Malawakan ang epekto nito sa politika, kabuhayan, pamumuhay, at lpunan ng mga Asyano. Pangunahing reaksiyon ng mga Asyano ang pagkabuong kanilang nasyonalismo na nakatuon laban sa mga Kanluranin. 




Ano ang nasyonalismo? Ano ang mahahalagang pangyayari na nagbigay-daan sa pag-usbong ng nasyonalismo? Bakit lumawak ang damdaming makabansa? Ano-ano ang pamamaraang ginamit ng mga Asyano tungo sa pagkakamit ng kalayaan? Ang mga sagot sa mga tanong na ito ay ipaliliwanag sa mga susunod na pahina. 




Ang nasyonalismo ay isang kamalayan ng pagiging kabilang sa isang nasyon na may iisang lahi, kasaysayan, kultura, wika, at pagpapahalaga. Bahagi ng nasyonalismong ito ang pagtatanto ng isang nilalang o lahi na mahalagang ipagtanggol ang kanyang bansa laban sa panlulupig ng mga dayuhan. Sa Asya, ang nasyonalismo ay nagsilbing isang matibay na reaksiyon laban sa imperyalismo at kolonyalismong dumating sa iba’t ibang panig ng rehiyon nito. Tunghayan natin ang pagpapamalas ng nasyonalismo ng mga Asyano sa iba’t ibang panig ng Asya. 




NASYONALISMO SA SILANGANG ASYA 




Bagama't hindi napasailalim sa Kanluraning kolonyalismo ang Silangang Asya dahil hindi tahasang sinakop bilang kolonya ang mga bansa rito, maigting ang imperyalismong ipinamalas ng mga Kanluranin. Sa 


China, nangahulugan ito ng paghahatihati ng bansa sa iba’t ibang spheres of influence. Sa kaso ng Japan, upang hindi matulad sa China, minabuti ng mga Hapones na magmodernisa sa pamamagitan ng pagtanggap at pag-angkop. sa impluwensiyang Kanluranin. 




China 




Sumailalim ang China sa dalawang rebelyon bunga ng imperyalismong. Kanluranin. Ito ay ang mga Rebelyong Taiping (Taiping Rebellion) at Rebelyong Boxer (Boxer Rebellion). Naghimagsik ang mga kasapi ng Rebelyong Taiping noong dekada 1850 laban sa mga Manchu na hinangad nitong pabagsakin. Pinangunahan ito ni Hung Hsiu Ch’uan na naghangad iluklok ang sarili bilang emperador ng isang bagong dinastiya na tinawag niyang T’ai P’ing o Great Peace. May bahid ng impluwensiyang Kristiyanismo ang rebelyong ito na naghangad baguhin ang tradisyonal na lipunang Tsino. 


Samantala, ang Rebelyong Boxer noong 1900 naman ay sumuporta sa mga Manchu at bumatikos sa mga Kanluranin. Layunin nitona palayasin ang mga Mapanghimasok at mapagsamantalang Kanluranin. Tinawag itong Rebelyong Boxer sapagkat ang psrupo ng mga naghimagsik ay kasapi sa samahang Boxer Harmony Fists at karaniwan sa kanila ay may kasaNayan sa mga gymnastic exercise. Nagsama-sama ang mga bansang Kanluranin upang supilin ang rebelyon. 




Sa pagpasok ng ika-20 siglo, dalawang magkataliwas na ideolohiya ang namayani sa China. Nahati ang mga mamamayan sa ideolohiya ng demokrasya at komunismo. Humarap sila sa hamon kung alin ang dapat ipalit sa papalipas nang pamumuno ng dinastiya at emperador. 


| Si Sun Yat Sen, tinaguriang "Ama ng Republikang China 


| Si Mao Zedong ang isa sa mga nagtatag ng partido komunista ng China noong 1921




Si Sun Yat Sen ang pangunahing nagsulong ng demokrasya at republikanismo sa China. Nakapag-aral siya sa isang unibersidad sa Hawaii at nagtapos ng medisina sa Hong Kong Medical School. Siya ang tinaguriang “Ama ng Republikang China” (Father of the Chinese Republic). Nangampanyasiya para palakasin at pag-isahin ang mga Tsino sa harap ng mga suliranin ng China tulad ng kawalan ng pagkakaisa o pagkakahiwa-hiwalay ng mga lalawigan na . pinaghaharian ng mga warlord (mga nagmamay-ari ng lupa na may mga sariling sandatahang lakas). Sa kanyang tatlong prinsipyo ng nasyonalismo, demokrasya, at kabuhayang pantao, ipinaliwanag ni Sun Yat Sen ang kahalagahan ng pagkakaisa upang labanan ang imperyalismo. Para sa kanya, mahalaga ang pantay-pantay na pag-aari ng lupa (equalization of land ownership) at regulasyon ng puhunan (regulation of capital). Naniniwala siya na hindi kailangan ang tunggalian ng mga uri (class struggle) upang makamit ang kaunlaran. Maiiwasan ang mga alitan at maisusulong ang kaunlaran sa pamamagitan ng pagkakasundo (compromise) at konsilyasyon (conciliation). — Sa pamamagitan ng kanyang liderato, _ gabay, at mga prinsipyo, naitatag ang Republika ng China noong Oktubre 10, 1911. Itinatag ang partidong Kuomintang o Nationalist Party noong 1912. 




Namatay si Sun Yat Sen noong Marso 12, 1925 at ang humalili sa kanya ay si Heneral Chiang Kai Shek, isang edukadong Tsino na nakapagaral sa isang paaralang militar. Sa pagkamatay ni Sun Yat Sen, si Chiang Kai Shek ang itinanghal na lider ng Kuomintang. Ipinagpatuloy niya ang kampanyang militar laban sa mga warlord. Pagkatapos talunin ang mga warlord, hinarap naman niya ang mas matinding kalaban, ang mga komunista na pinamumunuan ni Mao Zedong. 




Noong 1918 sa Unibersidad ng Peking, nabuo ang mga talakayang grupo tungkol sa Marxism, isang ideolohiyang komunismo na galing sa Russia. Naniniwala ang ideolohiyang ito sa tunggalian ng uring kapitalista o bourgeois at uring manggagawa o proletariat. Mananaig ang mga manggagawaat itatatag nila ang isang lipunang sosyalista. Lahat ay magiging pag-aari ng estado. 


Isa sa mga estudyante na nagpasimula ng Marxism sa China ay si Mao Zedong, isang magbubukid mula sa lalawigan ng Hunan sa China. Kabilang siya sa nagtatag ng Partido Komunista ng China sa Shanghai noong 1921. Nang dumating ang mga tagapayong Russian sa Canton, unti-unting lumakas ang kilusang komunista. Ipinalaganap ng mga tagapayong Russian ang Marxism sa mga opisyal ng pamahalaan at mga intelektuwal. Dahil sa lumalakas ang kilusang komunismo noong mga panahong iyon, ipinagbawal ito ni Chiang Kai Shek upang mapanatili ang pinamumunuan niyang pamahalaang nasyonalista. Naglunsad siya ng kampanya laban sa mga komunista sa pamahalaan at hukbong militar. Marami ang nadakip at pinatay. Si Mao Zedong ay nakatakas at nagtungo sa Kiangsi kung saan nagtatag siya ng komunistang pamahalaan sa ilalim ng kanyang pamumuno. Ang pagtakas ni Mao at ng mga kapanalig niya ay tinaguriang Long March dahil sa layo ng kanilang nilakad na inabot ng isang taon. Marami ang mga nasawi dahil sa hirap, gutom, at sa kampanya laban sa kanila ng pamahalaan ni Chiang Kai Shek. 































-------------------








List of European countries and capitals


TRANSCRIPT


Paano nakaapekto ang pag-usbongng makabagong daigdig sa transpormasyon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng mga kaisipan sa siyensiya, pulitika at ekonomiya tungo sa pagbuo ng modernong pandaigdigang kamalayan?


Bakit lumakas ang Europe?1. Paglakas ng mga bourgeoisie


Bakit lumakas ang Europe?2. Pagsilang ng merkantilismo


Bakit lumakas ang Europe?3. Pagtatatag ng national monarchy


Bakit lumakas ang Europe?4. impluwensiya ng Simbahan


Bakit lumakas ang Europe?5. Pagsisimula ng Repormasyon


Ang mga BOURGEOISIE ay..


PAGLAKAS NG MGA BOURGEOISIE


Sino-sino ang mga Bourgeoisie?


Katangian ngmga Bourgeoisie


Halaga sa Lipunan


Dahilan ng kanilang Paglakas


Epekto sa Paglakas ng Europe


Ang terminong bourgeoisie ay iniuugnay sa mga mamamayan ng mgabayan sa medieval France na binubuo ng mga artisan at mangangalakal. Angmga artisan ay mga manggagawang may kasanayan sa paggawa ng mgakagamitang maaaring may partikular na gamit o pandekorasyon lamang..


BOURGEOISIE Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga bourgeoisie sa pamumuhay ng aristokrasya, mga magsasaka, o ng mga pari. Ang daigdig nila ay hindi ang manor o simbahan kundi ang pamilihan. Hindi nakatali ang mga kasaping uring ito sa mga panginoong may lupa. Ang kanilang yaman ay hindi nanggaling sa lupa kundi sa industriya at kalakalan.


BOURGEOISIE 

Ang mga artisan, halimbawa, ay naninirahan sa mga nabuong pamayanan. Hindi sila nakadepende sa sistemang piyudal at binanayaran sila sa kanilang paggawa.


BOURGEOISIE Gitnang uriNagmula sa mga mangangalakal at banker


Sa huling bahagi ng ika-17 siglo, naging isang makapangyarihang puwersa ang bourgeoisie sa Europe. Binubuo sila ng mga mangangalakal, banker (nagmamay-ari o namamahala ng bangko), mga shipower (nagmamay-ari ng mga barko), mga pangunahing mamumuhunan, at mga negosyante. Hindi na kabilang sa kanila ang mga artisano na sa panahong ito ay maiuuri na sa mga manggagawa.


ANG MGA BOURGEOISIEDalawang pangkat ng bourgeoisie sa Europe


mangangalakal at banker propesyonal


YAMAN NG MGA BOURGEOISIESiglo 18 naging makapangyarihan at masalapi ang bourgeoisie sa Western Europe lalo na sa Netherlands, Britain at France


YAMAN NG MGA BOURGEOISIENakilala sa France ang mga bourgeoisie noong panahon ni King Loius XIV


LIMITASYON NG MGA BOURGEOISIENanatiling agraryo o pagsasaka ang pamumuhay at napanatili ang kapangyarihan ng mga maharlika


YAMAN NG MGA BOURGEOISIE1688 9% ng lipunan ang mga bourgeoisie sa England1800 15% ng lipunan ang mga bourgeoisie.


LIMITASYON NG MGA BOURGEOISIEKulang sa impluwensiya kaagapay ng pagiging maharlikaHindi maaaring maging mataas na pinuno ng pamahalaan, militar at Simbahan


IMPLUWENSIYA NG BOURGEOISIE1. pamahalaan


YAMAN NG MGA BOURGEOISIESa paglaki ng populasyon ng mga bourgeoisie sa France noong 1789, sila ang naging maimpluwensiyang tao sa pamahalaan


LIMITASYON NG MGA BOURGEOISIE Naakit sila sa kaisipan ng Enlightenment na nag-aalinlangan sa mga kaisipang awtokratiko ng lumang rehimen.


IMPLUWENSIYA NG BOURGEOISIE2. paggawa at pagpapatupad ng mga patakaran


IMPLUWENSIYA NG BOURGEOISIENagkaroon lamang ng politikal na kapangyarihan ang mga bourgeoisie pagdating ng ika-19 na siglo. Nagkamit sila ng karapatang politikal, panrelihiyon,at sibil sa pamamagitan ng pagtataguyod ng liberalismo.


YAMAN NG MGA BOURGEOISIESiglo 18 lumaki ang impluwensiya sa publiko ng mga bourgeoisie.Ginamit nila ang kanilang propesyon at panulat upang makagawa ng reporma sa pamahalaan.


IMPLUWENSIYA NG BOURGEOISIE3. kultura


mga nobelista at mga manunulatJean Jacques Rousseau VoltaireDenis Diderot


IMPLUWENSIYA NG BOURGEOISIE4. pinamunuan nila ang mga pagbabago sa mga bayan at lungsod.


YAMAN NG MGA BOURGEOISIEMarami rito ang nagtatag ng rebolusyon sa France.Tumulong din ang mga bourgeoisie sa pagpapalaganap ng kultura ng bansa.


LIMITASYON NG MGA BOURGEOISIEBinigyang-diin dito ang mga kaisipang tulad ng pagkakapantay-pantay at kalayaan na sumiklab na tulad ng apoy sa maraming bansa sa Europe.


MGA PAMPROSESONG TANONG1. Sino-sino ang itinuturing na kabilang sa pangkat ng bourgeoisie?2. Ano-ano ang katangian ng bourgeoisie?3. Ano ang naging papel nila sa paglakas ng Europe?4. Sino ang maituturing natin na Bourgeoisie sa kasalukuyan?5. Paano nakatutulong ang bourgeoisie sa kasalukuyan sa ating bansa at maging sa daigdig?


Ang kapangyarihan ng bourgeoisie ay bunga ng kayamanan at pakikipag-alyansa sa hari laban sa mga landlord. Subalit ang kanilang kapangyarihan sa nasabing panahon ay pang-ekonomiya lamang. Maiuugat ang English Revolution, American Revolution, at French Revolution sa pagnanais ng bourgeoisie na palayain ang sarili mula sa anino ng piyudalismo, sa pakikialam ng monarkiya sa personal na kalayaan, at sa karapatan sa kalakalan at pagmamay-ari.


TAKDANG ARALIN/GAWAING BAHAY


REFERENCEwww.wikipedia.orgwww.yahoo.com/imagesKasaysayan ng Daigdig, pp. 159 - 161DOWNLOAD LINK


PREPARED BY:LAWRENCE B. DUQUETeacher II, Araling Panlipunan 8KASAYSAYAN NG DAIGDIGTHANK YOU VERY MUCH!

Post a Comment

0Comments

https:www.majait.net

Post a Comment (0)