LGBT Teachers may sulat para sa principal ng Calubian National High School

LGBT Teachers may sulat para sa principal ng Calubian National High School  


Magandang umaga po Sir Ferdinand A. Abejar.

Ako ay lumalapit sa iyo ng buong puso, sa likod at harap ng anomang isyu na pinupokol sa akin at sa mga taong kasama nito sa tahimik na laban at pakikipagkumbaba, sa may ebidensiya man o hakahaka, makatotohanan man o wala, sa batas man o sa karapatan , ang alam ko, mas higit kung kilala ang aking sarili kay sa kanila. At haharapin ko ang mahinahon at pagunawa sa anomang pananawagan ko sa opisina mong ito sir. Na ang Kalayaan, kapayapaan, at pag-Ibig  ay isang elemento na pinagkaloob sa atin ng Diyos ama, na kaylan man hindi pinagkait sa atin. Tayo ay tao lang, at sino ang malinis sa harap ng Diyos.

Sir Abejar kayo po ay isang ama ng CNHS, at ama ng kagawaran ng guro sa CNHS. Ama na makaunawa sa mga hinanaing at may pakiramdam ng bawat guro. Ang CNHS ay isang malaking institusyon na may ibat ibang antas, grupo, paniniwala, at pagkaibaiba, sa isang simpleng lugar na ito ay isang gubat, na may ibat ibang hayop. Ang pagkakaibaiba ay isang likas or naturalisa alinsabay sa pagbago at pag-unlad ng ating lipunan, na kaylanman mahirap baguhin ang isang sino man sa atin sa mundong ito. Ang mundo na walang kasiguraduhan at lahat tayo maglaho.

Sa harapan mo po, hindi ako nanawagan sa aking karapatan at batas  na para bang lumaban o umaklas sa administrasyong ito, ang ibig kung sabihin nasa inyo ang pasya dahil dito ako po humihingi ng pabor at unawa sa iyo bilang ama ng CNHS kagaya ng aking ama na tinanggap ako na hindi ako pinagkaitan ng anumang Kalayaan, Kagaya kay Pope Francis ang pagtanggap sa ikatlong lahi , sa kaugalian, pananamit, daramdaman at kahit ano paman ito. At kagaya kay Jesus na pagtanggap kay Magdalena na isang kasapi sa pananalig at pananampalataya. Kagaya ng Ating Diyos Ama na tayo ay tinanggap, minahal, pinagpala, at pinatawad.  Ako parin ay may takot sa Diyos, ngunit ang aking kasuotan ay naginghadlang sa kanilang mata, ngunit sa physical lamang nila ako hinusgahan. Hinusgahan nila ako ayon sa sariling dipinasyon nila, na walang habas na pananakot. Hindi nila ako hinusgahan ayon sa batas, at anumang nakalapat na legal na pamamaraan na iniwaksi.

Maraming mga guro ang gumawa nito gamit nila karapatan, pag-aklas at paglaban gamit ang social media, Media outlet para maipahayag ang tama, Ngunit hindi po ganyan ang aming mithiin dahil ang alam naming lahat, si Sir Abejar MakaDiyos, at Makatao at siya ay Social Science teacher ibigsabihin mas madali sa kanya ang intindihin ang aming sitwasyon… Sa iyong mga kamay at disisyon nakasalalay. Dahil maraming mga paaralan ang yumakap nito sa city man at province, kung ito po ay iyong payagan ang pagiging pantay-pantay  sa CNHS ay hindi ALAMAT ito ay isang buhay na kwento na kami ay saksi sa iyong kabaitan at pagiging totoo. Na iba ka sa salahat ng Principal sa CNHS na nakilala namin, kung ito ay isang posible tanawin manin itong utang na loob sa iyo habang buhay, namumutawi ang pag-unawa, pag-ibig at pagtanggap mo sa amin.   

Ang aking pananamit at kataohan ay gusto bang baguhin, paunawa kung ito ay sadyang makatotohanan, ito po ba ay isang Crimin, Administrative, o Civil case? na alarming sa CNHS na para  bang kay init sakanilang puso na ang daling yurakan ang isang baguhan, hindi ako na mersonal o pakialaman ang anumang buhay,  ika ng ang CNHS ay isang GUBAT, na may kanya-kanyang isturya; may babaeng Guro nakipag relasyon sa isang lalaking Guro na kapwa sila kasal sa ibang pamilya, sa ibang isyu naman may guro na hindi kasal nagsama sa isang bahay, at sa ibang kamay naman, may Guro na buntis na hindi pa kasal, or ang Guro na buntis na walang ama, Ang guro nagbinta sa loob man o sa labas ng classroom. Ang Guro na hindi nag tuturo. At maraming isyu na kaylanman nagging laman ito sa laway at bibig ng iba ngunit tinanggap nila ito dahil sa awa, pag-ibig, pagintindi, pagtanggap at pagkakaisa, dahil ika nga ito ay isang pamilya na ang ama ay nagging matatag ang haligi sa oras ng dilibyo, ang ina ay nagging maliwanag sa mga guro para sa kapayapaan at pag-ibig. Gaya sa akin at sa karamihan sa CNHS nawa ay ang pabor na ito ay maging Malaya at patas sa pagtanggap.

Halatang ito ay nakalabag sa Code of ethics, at sa Saligang Batas ng Pilipinas ang pinag-gagawa nila, Ngunit kung hayaan nating silipin ang isyu, mas masahol pa sila sa akin o samin. Sa tunay  na buhay ng aking pananamit at buhok ay tinatanggap sa mga taong walang pinag-aralan kaysa sa  mga taong hawak ay Libro at ballpen, ngunit sila ay nakatago sa uniform ng guro na galit at poot na parang isang politiko. Ang aming ikatlong-lahing kasarian ay may kanya-kanyang antas, hubog, at paniniwala oryentasyon, Bilang isang tao ang aming panalangin sa Diyos  na minsan ay may BAKIT, bakit kami nagkaganito, ginusto ba namin ito, sino sila panginoon para kami gipitin at takutin, or kahit natakpan pa kami ng ginto makikita parin ang aming pananamit, kagustuhan, hilig, at expresyon sa buhay. Dahil patunay nito ang Diyos ay pinakamakapangyarihan lahat ng nilalang sa mundong ating ginagalawan ay isang malaking palaisipan sa nakaunawa at sa mga mang-mang, lahat tayo ay may kanya-kanyang istorya.

 

Sorry sir kung naabala ka, Sorry sir kung ang isyung ito ay lagging buhay sa CNHS kasi ang lugar na ito ay nag-paalala na malapit ng umusbong sa sibilisasyon ang pagunlad ng ekonomiya at idustriya at  hanggat ang mundo ay umiikot tayo ay naniniwala ang mundong ito ay mapayapa. Na sana ang aming hinanaing at panawagan ay maparating kahit isang katiting ito ay maipadama. Sino at alin sa kanila ang ayaw sa amin ngunit ayaw nilang humarap at ayaw na naming patulan at dagdagan ang isyu, dahil ang batas man ay nagging patas, ang karapattan man ang nagging tapat, ang CNHS ay isang makulay at mapayapa. Salamat sir kung marapatin mo ang favor at Salamat din po kung hayaan mo sa tago at sa lihim ang sagot na ito, dahil mahirap sa posisyon mo sa ganitong kalagayan. Ako ay nagpapasalamat sa Diyos na ikaw ay nagging parte sa buhay ko na isang ama, mentor, at principal. Maayong Adlaw sir


Karapatan po ito, sa mga LGBTQ na guro. 

Sa mga pampublikong paaralan, may mga alituntunin at patakaran tungkol sa personal na hitsura ng mga guro, kabilang na ang haba ng buhok at porma ng pananamit. Ang pagsunod sa mga patakaran na ito ay mahalaga upang mapanatili ang propesyonalism at disiplina sa eskwelahan.

Bagaman ang karapatan sa pagpapasya sa sariling hitsura ay mahalaga, kailangan ding isaalang-alang ang mga patakaran at regulasyon ng institusyon, partikular na sa mga pampublikong paaralan kung saan ang disiplina at epektibong pagtuturo ay mahalaga.

Sa konteksto ng pagpapahaba ng buhok at porma ng pananamit ng mga guro, maaaring ito ay ipinagbabawal o ipinagkakait sa mga pampublikong paaralan upang mapanatili ang propesyonalismo at kaayusan sa kapaligiran ng pag-aaral. Ang mga patakaran na ito ay karaniwang batay sa mga tradisyon, pangangailangan sa disiplina, at kultura ng paaralan.

Sa kabuuan, kahit na mahalaga ang karapatan sa pagpapasya sa sariling hitsura, mahalaga rin na igalang at sundin ang mga patakaran at regulasyon ng paaralan upang mapanatili ang disiplina, kaayusan, at propesyonalismo sa kapaligiran ng pag-aaral.



Sa pampublikong paaralan, ang mga miyembro ng LGBTQI community ay mayroon ding mga karapatan na dapat igalang at protektahan. Narito ang ilan sa mga karapatan na dapat matanggap at respetuhin ng mga indibidwal na kasapi ng LGBTQI community laban sa principal ng public school:


1. **Non-Discrimination:** Ang bawat indibidwal ay may karapatan na hindi ma-diskrimina sa paaralan batay sa kanilang kasarian, sexual orientation, o gender identity. Ang principal ay dapat magtaguyod ng isang ligtas at tanggapang kapaligiran para sa lahat ng mag-aaral at guro, kabilang ang mga miyembro ng LGBTQI community.

2. **Safe Environment:** Karapatan ng lahat ng mag-aaral na maramdaman ang kaligtasan at proteksyon sa paaralan. Ang principal ay dapat magtiyak na walang diskriminasyon, pang-aabuso, o harassment na nagaganap laban sa mga miyembro ng LGBTQI community.

3. **Equal Access:** Lahat ng mag-aaral, kasama ang mga miyembro ng LGBTQI community, ay dapat magkaroon ng pantay na pagkakataon sa edukasyon at iba pang oportunidad sa paaralan. Ang principal ay dapat magtiyak na walang hadlang sa pag-access sa mga serbisyong pang-edukasyon para sa lahat.

4. **Support Services:** Ang mga miyembro ng LGBTQI community ay may karapatan sa suporta at serbisyong pang-emosyonal sa paaralan. Ang principal ay dapat magtaguyod ng mga programang tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral, kasama na ang mga miyembro ng LGBTQI community, upang mapanatili ang kanilang kaligtasan at kagalingan.

Sa pangkalahatan, ang mga miyembro ng LGBTQI community ay may mga karapatan na dapat igalang at protektahan sa paaralan. Ang principal ng public school ay may responsibilidad na siguruhing naipatutupad ang mga patakaran at regulasyon na nagbibigay proteksyon at suporta sa lahat ng mag-aaral, kabilang ang mga miyembro ng LGBTQI community.