Vice amoy-imbornal ang hininga - Christy Fermin

Apple Majait
By -
0

 VICE AMOY-IMBURNAL DAW ANG HININGA --CRISTY FERMIN




Vice amoy-imbornal ang hininga - Christy Fermin 

Ikinawindang ng mga Marites ang pasabog ng veteran show biz columnist at host na si Cristy Fermin laban sa Unkabogable Star na si Vice Ganda.


Sa latest episode ng kanyang online talk show na “Showbiz Now Na,” isiniwalat ni Cristy na ayon sa isang malapit kay Vice ay amoy-patay na daga umano ang hininga nito.


“Napakalapit sa kanya na nagkuwento sa akin, tutal din lang tinatawag mo kaming tatlo na mga chismosong chaka ‘di ba? Okay, hindi ka namin papatulan pero may kukuwento kami. Hindi mo kami mapipigil. Mga taong malapit sa’yo ang nagsasabi na ang hininga mo raw ay amoy-imburnal,” ani Cristy.


“Ang sabi niya, ‘Ang lakas-lakas ng loob niya na mamintas. Diyusko! Kung alam n’yo lang, ang tindi ng amoy ng hininga niyan. Parang bulok na daga’,” dagdag niya.


“Huwag kang mamimintas ng kapwa mo kung may maibabalik din sa iyong resibo," hirit pa ng host.


Bukas ang PUBLIKO sa panig ni Vice.


📷: @praybeytbenjamin/Instagram; ctto

Post a Comment

0Comments

https:www.majait.net

Post a Comment (0)